BEST MAYOR IN NCR! 🏆

Mainit na tinanggap si Mayor Joy Belmonte ang pagkilalang Natatanging Punong Lungsod sa Kalakhang Maynila na iginawad na Quezon City Journalists Group Inc. (QCJI) sa kauna-unahan nitong media awards.

Binigyan din ng plaque of recognition ang Alkalde, si Vice Mayor Gian Sotto, at Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente.

Kinilala ng QCJI ang City Councilors na nagpamalas ng sipag at tapat na pamumuno sa kani-kanilang mga distrito sa lungsod.

Tumanggap ng Natatanging Konsehal Awards sina Councilors TJ Calalay, Mikey Belmonte, Wency Lagumbay, Irene Belmonte, Alfred Vargas, Banjo Pilar, at Vic Bernardo.

Binigyang-pugay naman sa media awards night ang mga Natatanging Bagong Konsehal na sina Councilors Charm Ferrer, Dave Valmocina, Egay Yap, Aiko Melendez, at Vito Sotto.

Ginawaran bilang mga Seasoned Councilor sina Coun. Godie Liban at Coun. Eric Medina.

Samantala, nakatanggap naman ng Natatanging Ordinansa Award sina Coun. Vargas para sa kanyang Free QC Bus Ride Program at Coun. Pilar para sa itatayong Tandang Sora Hospital.

Nagbigay din ng special awards ang QCIJ para sa mga masusugid na QC officials na sina QC Police District Director PBGen. Redrico Maranan, Chief of Staff Rowena Macatao, QC Business Permit and Licensing Department head Margie Mejia, Public Affairs and Information Services Department (PAISD) head Engelbert Apostol, PAISD Media Officer Rico Leus, City Treasurer Ed Villanueva, National Housing Authority Assistant General Manager Alvin Feliciano, at si Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairperson Alejandro Tengco.

+42