Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isang masayang get-together ang isinagawa para sa mga junior staff ng Pamahalaang Lungsod Quezon ngayong araw.
Nakiisa at nagbigay ng mensahe sina Mayor Joy Belmonte at City Administrator Michael Alimurung bilang suporta sa mga susunod na lider ng pamahalaang lungsod.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Quezon City Government na sumuporta sa mga kabataang kawani na magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga kapwa empleyado mula sa iba-ibang tanggapan at makabuo ng bagong koneksyon.








