Sa Quezon City, tinitiyak na bawat programa para sa mga QCitizen ay patas, makatao, at makatarungan!
Aabot sa 120 informal workers ang dumalo sa Quezon City Kapitbahayan Social Protection Services and Business Registration ngayong umaga.
Katuwang ang mga partner lokal at national agencies, inilapit ng QC Government ang iba-ibang government-mandated social protection programs para sa kanila tulad ng SSS, Philhealth, Pag-IBIG, BIR, at Nano-enterprise registration sa ilalim ng Business Permits and Licensing Department (BPLD).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na parating nakaalalay ang lokal na pamahalaan para matiyak na naibibigay sa mga mamamayan ang access at oportunidad, gayundin ang kanilang karapatan bilang manggagawa at mamamayan.
Bukod sa alkalde, naroon din sa programa sina Ms. Suneeta Eluri ng International Labor Organization Country Office Manila, Public Employment Service Office (PESO) Manager Rogelio Reyes, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at mga kinatawan mula sa iba-ibang ahensya.




