Namahagi ang Quezon City Ladies Foundation ng mga gulay at rice packs bilang pamasko sa mga residente ng iba-ibang distrito ng ating lungsod. Binili nila ang pinamahaging gulay mula sa ating urban farms upang matiyak na masustansya ang pagkain ng QCitizens at malaking tulong din sa ating urban farmers.