QCitizen learners, handa na ang inyong learning kits para sa S.Y. 2025–2026!
Muling makatatanggap ng libreng school supplies ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 ng mga pampublikong paaralan sa Quezon City.
Ngayong Hunyo, sisimulan ang distribusyon ng mga school bag na naglalaman ng iba-ibang gamit sa paaralan batay sa grade level ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang notebooks, ballpen, lapis, whiteboard, marker, water tumbler, at iba pa.
Higit 420,000 learning kits ang ipamamahagi ng Quezon City Government ngayong bagong school year.
Sa kabuuan, mahigit 2.4 milyong learning kits na ang ipinamigay ng lungsod mula 2020 bilang suporta sa edukasyon ng mga QCitizen.




