Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month at 85th founding anniversary ng Quezon City, nagtungo ang City Legal Department sa QC Jail Female Dormitory sa Camp Karingal para magbigay ng libreng legal advice sa mahigit na ninety (90) na persons deprived of liberty (PDL).
Nakatakda ring bumalik ang City Legal Department sa QCJFD sa March 21 para ipagpatuloy ang pagbigay ng libreng legal advice sa mga PDL.