Tinalakay ng Local Council for the Protection of Children ang mga programa at proyekto ng Lungsod Quezon na kumakalinga sa mga kabataang QCitizen ngayong araw.
Ilan sa pinag-usapan ay ang selebrasyon ng Children’s Month, ang Children Representative Elections, at Child Summit.
Nagbigay naman ng updates ang mga departamento patungkol sa mga programang ipinatutupad na nakatuon sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga kabataan, at ang first 1,000 days program.
Pinag-usapan din ng konseho ang Child-Friendly Local Government Audit ng lungsod, ang QC Birth Registration Online, at ang Unified Referral System para sa mga kabataan.
Pinangunahan nina Committee on Women, Family Relations and Gender Equality Chairperson Councilor Ellie Juan at City Planning and Development Department OIC Jose Gomez ang pulong.