Nagtipon ang mga miyembro ng Quezon City Local Housing Board upang pag-usapan ang mga isyu at hamon sa programang pabahay ng lokal na pamahalaan.
Nagsilbing presiding officer sa pulong si Mayor Joy Belmonte, na dinaluhan din nina Coun. Aiko Melendez, Coun. Mikey Belmonte, Secretary to the Mayor RJ Belmonte, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer, City Legal Officer Atty. Niño Casimiro, mga kinatawan ng Department of Human Settlements and Urban Development, at Presidential Commission for the Urban Poor, at iba pang departamento ng lokal na pamahalaan.
Nanumpa na rin ang mga opisyal na kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs) sa Housing Board. Sila ang magsisilbing representante ng mga QCitizen upang masiguro na bawat concern ay mapapakinggan at ang pera ng bayan ay mapupunta sa mga proyektong makabuluhan at makakatulong sa mga mamamayan.