Nagpulong ang Quezon City Local Literacy Coordinating Council sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang mga programang pang-edukasyon sa QC.
Siniguro ng alkalde na patuloy na tututukan ng pamahalaang lungsod ang mga programa sa edukasyon ng mga kabataang QCitizens.
Nagbigay ng kanilang mga suhestiyon sina Coun. Aly Medalla, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit head Maricris Veloso at iba pang miyembro ng council upang mapaigting pa ang mga polisiya at programa ng lungsod.