Pasok ang Quezon City sa Top 5 Most Business Friendly Local Government Units ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Kahapon, sumabak si Mayor Joy Belmonte at ang Team Quezon City sa final deliberation at judging ng PCCI para sa Most Business Friendly Local Government Unit Award (City Level 1A).

Ipinakita ng alkalde kung paano pinapabilis, pinapadali, at pinapagaan ng lungsod ang mga proseso para sa mga negosyanteng QCitizen, at mga gustong magbukas ng kanilang negosyo sa Quezon City.

Ibinahagi rin niya ang mga incentive para sa mga business owner, at ang mga programa para matiyak ang malakas at mayabong na business climate ng lungsod.

+12