Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang lagay ng Quezon City Meetings, Incentives, Conference & Exhibits (M.I.C.E) Center na nasa loob ng City Hall ngayong araw.

Aabot na sa 80% ang completion rate ng M.I.C.E center at inaasahang magagamit na ang 135 vehicle basement parking slot, groundfloor, at 2nd floor sa darating na Setyembre.

Inihahanda na rin ang amenities ng imprastraktura tulad ng lobby, breakout rooms, garden landscape, basement parking, exhibit hall, viewing deck, main ramp, escalators at conference rooms.

Tuloy tuloy naman ang paggawa sa 750-seat theater, QC Cinema Office, training area, 3 elevators, at ang main auditorium na target matapos sa Abril 2025.

Kasama ng alkalde sa pag-iikot sa proyekto sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.

+12