Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang pagpapatuloy ng Mooncake Festival sa Banawe Chinatown ngayong Sabado, ibinida ng iba-ibang grupo ang kanilang husay at talento sa pagsasayaw sa Glow in Motion: Dance Competition.
Nakilahok din ang QCitizens sa Mid-Autumn Dice Game, kung saan nag-uwi sila ng iba-ibang premyo, tulad ng grocery package at home appliance.
Nandito rin ang QC ID Team para tumulong sa mga interesadong kumuha ng QC ID.
Tara na, QCitizens, at makilahok sa iba pang hinandang surpresa at programa ngayong gabi sa Mooncake Festival!










