Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC MOONCAKE FESTIVAL NA! ![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Quezon City Mooncake Festival 2026 sa kahabaan ng Banawe Chinatown ngayong Sabado.
Tampok sa taunang selebrasyon ang mga nagsasarapang pagkain mula sa local merchants na sa lungsod lang matatagpuan.
Inihahanda na rin ang mga aktibidad para sa QCitizens tulad ng Mid-Autumn Dice Game, mooncake festival gallery, dance competition, at music performances.
Tara na sa QCitizens sa Banawe Chinatown para sa buong araw ng selebrasyon!










