Nakaantabay na ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para sa kaayusan at kaligtasan ng QC Countdown to 2026 sa Quezon Memorial Circle simula 4:00 PM.
Kasama rin ang mga emergency medical teams mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), City Health Department (CHD), at Philippine Red Cross para masiguro ang agarang tulong sakaling kailanganin ng mga manonood.
Isinasagawa na rin ang rehearsals ng mga local artists na magpapasigla sa gabi ng musika at sayawan.
Kaya punta na sa Quezon Memorial Circle at sama-sama nating salubungin ang bagong taon. See you, QCitizens!










