Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Unti-unti nang dumarating ang QCitizens sa Quezon Memorial Circle para sa QC Countdown to 2026 na magsisimula mamayang 4:00 PM.
Ramdam ang tuwa at excitement ng mga pamilya, barkada, at magkakaibigan habang sabik silang salubungin ang bagong taon nang sama-sama.
Mas lalo pang aapaw ang kasiyahan sa walang tigil na tugtugan at mataas na energy sa entablado mula kina Kamikazee, Gloc-9, The Itchyworms, Streetboys, Mayonnaise, Angeline Quinto, Lola Amour, Dilaw, Soapdish, Reese Lansangan, at DJ Mike Lavet.










