Kinilala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Quezon City bilang Top Economic Contributor sa NCR para sa taong 2023.

Base sa tala ng PSA, ang Quezon City ay nag-ambag ng higit sa 19% sa ekonomiya ng NCR, na may kabuuang gross domestic product (GDP) na nagkakahalaga ng Php1.27 trilyon noong 2023.

Bunga ito ng iba-ibang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga negosyante sa lungsod.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang isang ordinansa na nag-aamyenda sa mga insentibo para sa mga medium at large enterprises. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng city government na paigtingin ang paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.