Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
INDEX CRIME RATE SA QC, BUMABA ![]()
Mula sa 542 noong June 1 hanggang August 31, 2025, bumaba na sa 423 ang bilang ng index crimes sa kaparehong panahon ngayong taon sa Quezon City.
Kabilang sa index crimes o 8 focus crimes ang mga krimen na may malaking epekto at pagbabanta sa kaligtasan ng publiko: murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motor vehicle carnapping, at motorcycle carnapping.
Patuloy na sinisikap ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Quezon City Police District (QCPD) at iba pang law enforcement units, ang pagtiyak ng kaayusan ng lungsod at kaligtasan ng bawat isa.
Para sa anumang emergency at agarang aksyon, tumawag sa QC Helpline 122.









