ANOTHER QC PRIDE! ✨

Nagkamit ng dalawang gintong medalya ang Quezon City Performing Arts Development Foundation, Inc. Concert Chorus sa ginanap na 13th World Choir Games sa Auckland, New Zealand.

Itinanghal bilang “Champion of the World Choir Games” ang grupo sa ilalim ng Mixed Chamber Choirs category at nagwagi naman ng Gold Medal sa Sacred Choral Music with Accompaniment category.

Noong 2023 ay nagkamit din ang QCPADFI Concert Chorus ng dalawang golden diplomas sa 12th World Choir Games sa Gangneung, South Korea.

Ang World Choir Games ang itinuturing na pinakamalaking international choir competition para sa pinakamahuhusay na choral singers mula sa iba-ibang panig ng mundo.

Patunay lamang ito na pang-world class ang galing at talento ng kabataang QC. ☺️

Mula sa Quezon City Government, congratulations and we are proud of you!