Happy 86th Anniversary, QCPD! ![]()
![]()
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pagdiriwang ng ika-86 anibersaryo ng Quezon City Police District ngayong araw.
Ibinida ng QCPD ang kanilang newly acquired equipment na magpapaigting sa seguridad at mas epektibong serbisyo para sa QCitizens.
Binigyang-diin ni Mayor Joy sa kanyang talumpati ang patuloy na laban ng lungsod kontra karahasan sa kababaihan, online sexual exploitation of children, at human trafficking.
Nagpasalamat ang alkalde sa pamunuan ng QCPD lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat QCitizen.
Kasama sa selebrasyon sina City Administrator Michael Alimurung, Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio, at ang ilang opisyal ng QCPD.
Kinilala rin sa anibersaryo ang ilang opisyal pamahalaang lungsod tulad nina Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, QC Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Ma. Bianca Perez, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.








