Maraming salamat sa pamunuan ng Quezon City Police District at Damayan sa QCPD Inc. sa pangunguna ni PBGen. Nicolas Torre III para sa kanilang donasyon na nagkakahalaga ng ₱500,000 na mapupunta sa QC Learning Recovery Trust Fund.
Personal na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, City Treasurer Edgar Villanueva, QC Education Affairs Unit head Ms. Maricris Veloso, at Schools Division Office Superintendent Ms. Carleen Sedilla ang donasyon.
Layon ng Learning Recovery Trust Fund na matugunan ang learning loss sa pamamagitan ng Gabay Aral o tutoring services para sa public school students sa QC.