Lumahok sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 ang Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni PBGEN Redrico A. Maranan.

Layon ng aktibidad na ginanap sa QCPD Headquarters na paghusayin ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon sakaling magkaroon ng lindol o anumang sakuna.

Binigyang importansya rin ang pagkakaroon ng proper planning, communication, at training upang maging handa at epektibo sa panahon ng emergency.

Katuwang ng QCPD sa pag-organisa ang Disaster Incident Management Task Group (DIMTG), Quezon City Disaster Risk Reduction Management Council (QCDRRMC), at Bureau of Fire Protection (BFP).

May be an image of 4 people and text

+4