Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bagong kabanata para sa QCPD! ![]()
Isang bagong kabanata ang nasaksihan sa Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang Turnover Ceremony para kay incoming Acting District Director PBGEN Christopher Olazo.
Dumalo bilang Panauhing Pandangal si Mayor Joy Belmonte, kasama si NCRPO OIC Regional Director Christopher Abrahano.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang pamahalaang lungsod kay PBGEN Randy Silvio para sa kanyang pakikipagtulungan na mapanatiling maayos at payapa ang lungsod.
Hangad ng QC ang matagumpay na panunungkulan at mas matibay na ugnayan ng QCPD at ng QCitizens.
Maraming salamat, PBGEN Silvio, at maligayang pagdating, PBGEN Olazo! ![]()










