Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
PROJECT HILAMOS SA MAGINHAWA!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa Project Hilamos ng Quezon City Police District sa Maginhawa Street kahapon.
Layon ng proyekto na gawing malinis ang public spaces at i-promote ang disiplina, kaligtasan, at gawin itong pedestrian and child friendly alinsunod sa “Walkable City” initiative ng lungsod.
Ayon sa alkalde, buo ang kanyang suporta sa street art at artists sa QC, ngunit mariing kinokondena ng lokal na pamahalaan ang lahat ng uri ng bandalismo.
Kasama sa ceremonial wall painting sila QCPD PBGEN. Randy Glenn Silvio, Chief of Staff Rowena Macatao, at mga Punong Barangay na sina Lolita Singson, Michelle Cruz, Anna Rosero, at mga force multiplier groups.








