Agad rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni PCOL. Melecio M. Buslig, para tulungan ang mga QCitizen na naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong #KristinePH.
Nasa 262 police personnel ang itinalaga sa iba-ibang bahaing lugar sa lungsod gaya ng La Loma, Masambong, Galas, Payatas, at Bagong Silangan.
Nakaantabay rin ang QCPD sa mga evacuation center para masiguro ang kaligtasan ng mga residenteng lumikas.