Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pulong ng Quezon City Price Coordinating Council (QCPCC) upang matiyak na walang pagtaas ng presyo sa mga basic and prime commodities at agricultural products sa QC bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan at bagong taon.
Iniulat naman ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang kanilang patuloy na price monitoring operations upang siyasatin ang mga presyo ng pangunahing produkto sa mga public market, groceries, supermarket, at iba pang mga establisyimento sa QC.
Ayon sa DA at DTI, nasa angkop na price range ang presyo ng mga pangunahing produktong mabibili sa QC.
Ibinahagi rin ni Market Development and Administration Department (MDAD) OIC Margie Santos ang inihahandang Local Price Monitoring Portal na magiging bahagi ng nailunsad nang Market One Stop Shop system.
Ang bagong portal na ito ay bukas makipagtulungan sa national government agencies upang maging unified at digital na ang price monitoring sa lungsod.
Present din sa programa sina DA Consumer Affairs Asec. Geneveive Guevarra, Agribusiness and Marketing Assistance Service Director Junibert De Sagun, DTI Fair Trade Enforcement Bureau Assistant Chief Joel Buag, at mga kinatawan ng QCPCC mula sa lokal na pamahalaan.