Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinagawa ang kauna-unahang pulong ng Quezon City Pride Council sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.
Tinalakay ang mga napagtagumpayan ng Lungsod Quezon para sa LGBTQIA+ community, gayundin ang mga strategic plans at programs na magpapatuloy sa pagsusulong ng equality at inklusibong lungsod para sa QCitizens.
Dumalo rin si Akbayan Representative Perci Cendaña, na nagbahagi ng kanyang mga pananaw ukol sa mga inisyatibo ng lungsod para sa rainbow community.
Nakiisa sa pulong sina City Council Chairperson on Committee on Women, Family Relations, and Gender Equality, Coun. Ellie Juan; Gender and Development Council Office Head Janete Oviedo; mga kinatawan mula sa iba-ibang departamento; at GAD Council consultant, Vince Liban.








