Idinaos ng Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC-PIC), sa pangunguna ng Public Employment Service Office, ang kanilang 2nd Quarterly Meeting. Tinalakay ang mga programa ng lungsod para maiwasan, malutas, at puksain ang child labor kabilang ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Pinag-usapan ang resulta ng validation ng mga child laborers sa lungsod, at ang digitization para sa mas epektibong validation.
Pinaghahandaan din ang mga aktibidad para sa nalalapit na World Day Against Child Labor sa darating na Hunyo. Layon nitong paigtingin pa ang adbokasiya laban sa anumang uri ng child labor.
Napag-usapan naman ang mga plano para sa isang makabuluhang selebrasyon ng Ika-20 Anibersaryo ng QC-PIC. ito’y bilang pagkilala sa walang sawang pagtataguyod sa karapatan ng mga batang manggagawa sa lungsod.
Pinag-aralan din ng grupo ang implementasyon ng Quezon City Program Against Child Labor (QC-PACL) — isang komprehensibong plano na naglalayong pigilan at wakasan ang child labor sa Quezon City.




