Nagpulong ang Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC-PIC) sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) para sa kanilang First Quarterly Meeting, kung saan tinalakay ang mga programa ng lungsod laban sa child labor at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC). Pinagusapan din ang katatapos lamang na Safer Internet Day.
Bumisita ang mga panauhin mula sa REACT Project Global – VIVA Honduras, Zimbabwe, Hong Kong, at Denmark upang magsagawa ng learning session at benchmarking kasama ang QC-PIC Technical Working Group.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga bisita na magtanong, magbahagi ng kanilang mga pananaw, at matutunan ang mga best practices ng Quezon City sa pagpaprotekta sa mga bata at sa Zero Child Labor campaign.
Sa pagtatapos ng pulong, tumanggap ang QC-PIC ng Certificate of Appreciation mula sa REACT Project sa pangunguna ni Mr. Kent Grinderslev Rasmussen, Director ng VIVA Denmark, bilang pagkilala sa dedikasyon ng lungsod upang proteksyunan at ipaglaban ang Karapatan ng mga bata.




