Upang makapagbukas ng mas marami pang trabaho at oportunidad para sa mga QCitizen, isinagawa ng Quezon City Public Employment Service Office (PESO) ang kauna-unahang Employers Forum.

Sa pamamagitan ng forum, mas mapapakinggan ng lokal na pamahalaan ang mga concern at suhestyon ng mga employer. Mas mapapalakas din nito ang ugnayan ng lungsod sa mga kompanya para mas mailapit pa sa kanila ang mga programa at serbisyo.

Aabot sa 400 kompanya at employer ang sasailalim sa tatlong araw na forum sa Axiaa Hotel mula July 5 hanggang July 7.