Nagdiwang ng ika-75 anibersaryo ang Quezon City Public Library ngayong araw kasama ang iba-ibang opisyal ng pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Aly Medalla, at Ms. Mariza Chico ng QCPL.

Pinasinayaan din ang exhibit kung saan makikita ang kasaysayan ng pagkakatatag ng QCPL.

Hinikayat ni Mayor Joy ang mga kabataan na maging mahilig sa pagbabasa. Kasabay nito, Binigyang-diin niya na payabungin ang mga local library ng lungsod dahil makatutulong ang mga ito sa pagkatuto ng mga residente. Patuloy din ang pagsasaayos ng mga satellite branches ng QCPL upang mas ma-engganyo ang mga residente na bumisita.

Nakiisa rin ang historian na si Mr. Manuel Quezon III, mga department heads, former librarians, at action officers ng QC government sa selebrasyon.

May be an illustration of 2 people and text
May be an image of 4 people, people dancing and text
May be an image of 1 person, dais and text
May be an image of 1 person, newsroom, dais and text
May be an image of 5 people and text
May be an image of 10 people, dais and text
May be an image of 14 people, people smiling and text