Ginawaran ang Quezon City Public Library – Escopa 3 Branch bilang 2022 Top Performing Public Library in the Philippines sa ilalim ng Barangay Reading Center/Branch Category ng National Library of the Philippines (NILP).
Ito ay bilang pagkilala sa natatanging serbisyo ng aklatan sa mahigit 30,000 na magbabasa sa lungsod.
Patuloy namang tinututukan ng ating lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng mga pampublikong aklatan upang maitaas ang literacy level ng mga kabataan at mahikayat na rin ang bawat QCitizen sa pagbabasa.
Congratulations po sa lahat ng naging bahagi ng parangal na ito.
