Ibinahagi ng Quezon City Public Library ang braille books para sa persons with visual impairment na nais bumisita sa mga pampublikong aklatan sa lungsod.
Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte na prayoridad ng QC na suportahan ang mga persons with disabilities sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga programa ng lungsod.
Maaaring basahin ang naisalin na children’s book na pinamagatang, “What Kids Should Know About Quezon City” sa QCPL.