Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagbigay ng oryentasyon ang Quezon City Public Library (QCPL) para sa mga kabataan at kanilang magulang na sasailalim sa “The joy of reading and learning: reading tutorial” na programa ng QCPL.
Mag-uumpisa sa Pebrero hanggang Marso ang anim na sessions ng free reading tutorial. Sa batch na ito, magsisilbing volunteer tutors ang mga estudyante ng CIIT Philipines School – College of Arts and Technology.
Layon ng programang ito na maihanda ang mga kabataan sa kanilang pagpasok sa paaralaan, at hasain ang kanilang reading literacy sa murang edad.










