Binigyang tugon ni Mayor Joy Belmonte ang mga isyu at hinaing na idinulog ng Quezon City Real Estate Board (QCRB), Inc. ngayong araw.

Nanguna sa pagbisita si QCRB Pres. Joseph Chua.

Nakiisa sa pulong sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo at QC Traffic and Transport Management Department OIC Dexter Cardenas.