Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Muling ginawaran ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City Government ng Unmodified Opinion sa ika-anim na sunod na taon.
Ito ang pinakamataas na markang ibinibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga local government unit (LGU).
Patunay ang pagkilalang ito na nananatiling tapat at sumusunod ang lungsod sa mga itinakdang pamantayan ng financial accountability at transparency, kasabay ng mahusay na paggamit ng pondo para sa kapakanan ng QCitizens.
Sa ilalim ng ganitong pamamahala, patuloy na naipatutupad ang mga programa at serbisyong nakatuon sa mas maayos at epektibong paglilingkod sa bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.






