Congratulations, Quezon City!

Muling kinilala ang ating lungsod sa paglulunsad ng ARISE Awards ng Anti-Red Tape Authority.

Isa ang QC sa mga lungsod na pinarangalan para sa Compliance with the Electronic One Stop Shop (eBOSS) Requirement.

Ang ARISE o Accelerating Reforms for Improved Service and Efficiency Awards ay ibinibigay sa mga natatanging local government units na nagpagpapatupad ng Ease of Doing Business Law.

Personal na tinanggap nina QC Business Permits and Licensing Department chief Ms. Ma. Margarita Santos at QC Department of Building Official chief Engr. Isagani Versoza ang parangal.