Sa ikaapat na sunod na taon, muling kinilala ang Quezon City bilang pinakamayamang Local Government Unit (LGU) sa buong bansa.
Ayon sa Commission on Audit (COA), ang Quezon City ay may kabuuang assets na P448.509 bilyon noong 2023.
Kasabay din nito ang ikaapat na sunod na taong paggawad ng COA ng “Unmodified Opinion” sa QC.
Asahan po ninyo na magsisilbi itong inspirasyon upang patuloy nating maisulong ang good governance sa pamamagitan ng wasto at masinop na paggamit ng pondo ng lungsod.