Pagbati sa mga award-winning SK ng Quezon City! ![]()
Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang pagbati at pagmamalaki sa mga Sangguniang Kabataan (SK) ng Quezon City na kinilala sa Philippine Sangguniang Kabataan Awards.
Nanguna ang SK Commonwealth bilang Hall of Excellence Award recipient, habang kinilala rin bilang Most Outstanding Sangguniang Kabataan ang SK Commonwealth, SK Payatas, SK Sauyo, SK North Fairview, at SK Batasan Hills. Naging national finalist naman ang SK Nagkaisang Nayon.
Kinilala rin ang iba’t ibang proyekto ng SK Bagong Pagasa at SK UP Campus sa larangan ng sustainable communities and economic development, governance and civic participation, at human development and social welfare.
Kasama ni Mayor Joy si SK Federation President Coun. Sami Neri sa pagbati sa mga kabataang lider ng lungsod.
Ipinagmamalaki ng QC ang inyong paglilingkod sa mga kabataan at komunidad. ![]()










