Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations sa batch 2025-2026 ng Quezon City Science High School!
Aabot sa 272 kabataang QCitizens ang nagsipagtapos ngayong umaga sa QCSHS.
Iginawad ni Mayor Joy Belmonte ang Leadership in Public Service Award kay Carrie Hazel Gubalane.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagkakakilala sa sarili, na magsisilbing pundasyon ng kanilang prinsipyo at paninindigan.
Hinimok niya ang mga mag-aaral na magsaya at mag-relax, at subukang magkaroon ng oras para sa kanilang sarili.
Kinilala rin ng alkalde ang mga magulang at guro na patuloy na sumusuporta at umaalalay sa mga mag-aaral.








