Ibinida ng Quezon City Government ang disaster management capability nito sa mga delegado ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.

Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte ang pagdating ng mga bisita na pinangungunahan ni Cook Islands Assistant Minister Sonny Williams.

Ibinahagi ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang iRISE UP, ang real time calamity monitoring system ng lungsod.

Bumisita rin ang mga delegado sa Barangay Batasan Hills at Bagong Silangan.

+18