Aabot sa 340 Qcitizens ang nagtapos ng meat processing at kakanin making training na pinangunahan ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation Inc. (QCSLFI) at The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Mayroon din silang natanggap na starter kits upang makapagsimula ng kanilang negosyo.
Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang QCitizens na mag-apply sa mga programa ng lokal na pamahalaan upang makapag-umpisa ng negosyo at makakuha ng capital assistance.
Mismong si Mayor Joy ang nag-abot ng certificates ng mga benepisyaryo, kasama sina QCSLFI OIC Valerie Bernardino, TESDA-QC District Director Normer Pascual, at Industry Coordination Group Head Ma. Teresa Galicia.




