“Kailanman ay hindi nakaka-macho ang pagbubuhat ng mga kamay, at hindi labag sa pagkalalaki ang pagiging mabuting asawa, ama, at miyembro ng lipunan”

‘Yan ang binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang talumpati sa kauna-unahang Quezon City Summit of Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE).

Nanawagan ang alkalde sa mga kalalakihan na maging kaisa ng lungsod sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang komunidad para sa lahat, lalo na para sa mga kabataan at kababaihan.

Nasa 200 lalaking barangay officials, pulis, students, kawani ng lokal at pambansang pamahalaan at civic society organizations ang dumalo sa workshop na ginanap sa Silver Lotus Events Place sa Timog.

Layon ng pagtitipon na makabuo ng mga hakbang kung paano mas mapapaigting at mapapalakas ang mga programa at inisyatibo para maprotektahan ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso at karahasan.

Nakiisa rin sa summit sina MOVE PH National President Rey De Guia at iba pang miyembro ng organisasyon.

Ang QC MOVE Summit ay bahagi ng mga programa ng lungsod nilang paggunita sa 18-day campaign to end violence against women.

+35