Inalalayan ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Dispilina ang mga QCitizen na nagtungo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa Brgy. Batasan upang kumuha ng medical assistance.
Katuwang ang mga tauhan ng Quezon City Police District, isinaayos ng grupo ang mahabang pila sa labas ng tanggapan upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao. Kasabay nito ay umalalay din sila sa mga sasakyang dumadaan upang mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko sa lugar.