Nagtalaga ng karagdagang traffic enforcers ang Quezon City Traffic and Transport Management Deparment upang umalalay sa mga motorista sa Lungsod Quezon.

Itinalaga rin ang mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Task Force Disiplina sa mga pangunahing kalsada.

Tinutukan nila ang maayos ang daloy ng trapiko palabas at pabalik ng Quezon City sa harap ng ginaganap na National Rally for Peace na inorganisa ng Iglesia Ni Cristo.

+7