Isang pagbati sa Quezon City University na pinangungunahan ni QCU President Dr. Theresita Atienza dahil ginawaran ng Level II Accreditation ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) ang unibersidad para sa mga sumusunod na programa; Bachelor of Science (BS) in Entrepreneurship, BS Industrial Engineering, BS Information Technology, at BS Electronics Engineering kasabay ng QCU Board of Regents meeting ngayong araw.
Kaisa ng QCU ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon para sa mga mag-aaral na QCitizen.
Nakiisa ang ibang kasapi ng Board of Regents na sina Coun. Aly Medalla, Coun. Joseph Juico, Coun. Irene Belmonte, Coun. Kate Coseteng at Coun. Vic Bernardo.