Padayon, mga iskolar ng bayan!
Maligayang araw ng pagtatapos sa mga mag-aaral ng Quezon City University mula sa programa ng BS Industrial Engineering, BS Electronics Engineering, at BS Information Technology.
Pinagtibay nina Mayor Joy Belmonte at QCU President Dr. Theresita Atienza ang pagtatapos ng mga mag-aaral na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Nagbigay naman ng kanyang commencement address si Jose Avelino Flores, Co-Founder ng Plug and Play Tech Center, isa sa pinakamalaki at nangungunang venture capital firm sa buong mundo.
Dumalo rin sa seremonya sina Commission on Higher Education UniFAST Executive Director Atty. Ryan Estevez, QC Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at ilan pang kinatawan ng QCU.
Nakiisa sa commencement exercises ang ilang miyembro ng QCU Board of Regents na sina Coun. Aly Medalla, Coun. Vic Bernardo, QCU Alumni Association President Prof. Daryl Panganiban, at Supreme Student Council President Donna Lyza Sabinorio.
Muli, isang pagbati para sa QCU Class of 2024.