Congratulations Batch 2026 ng Quezon City University (QCU)! ![]()
![]()
Aabot sa 2,498 mag-aaral ng QCU ang nagtapos na ngayong araw, sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang mga mag-aaral dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyon para makamit ang kanilang diploma. Pinasalamatan niya rin ang mga magulang at guardian ng mga nagsipagtapos dahil sa kanilang walang sawang suporta sa mga estudyante.
Nagsilbi namang commencement speaker sa QCU Batch Sidhaya si Dr. Hans T. Sy, Chairperson of the Executive Committee ng SM Prime, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kasipagan, katatagan, at kababaang-loob para magtagumpay sa buhay.
Tinatayang 1,115 sa mga nagsipagtapos ang first-generation graduates na patunay sa mas pinalawig at mas accessible na education opportunities para sa mga QCitizen.
Bukod kay Mayor Joy at Sy, nakiisa rin sa graduation ceremony sina QC Council Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Coun. Nikki Crisologo, Coun. Ram Medalla, QCU President Dr. Theresita Atienza, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at kinatawan ng CHED.










