Congratulations, Batch Sinagtala ng Quezon City University!
Aabot sa 1,875 mag-aaral ng Quezon City University (QCU) ang nagtapos ngayong araw sa Smart Araneta Colliseum.
Si Federico Bacayo ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) ang Valedictorian ng Batch Sinagtala, na ginawaran din ng CHED Unifast Academic Excellence Award.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na malaking tagumpay ang pagtatapos ng mga kabataan sa kolehiyo. Hangad ng alkalde na maging kasangga ng lungsod ang bawat graduate sa pagpapabuti at pagpapaunlad sa QC.
Sa kanyang inspirational message, hinikayat ni Vice Mayor Gian Sotto ang mga nagsipagtapos na patuloy na maging mabuti at mapagbigay, dahil malaki ang ambag ng kabutihan sa pagtataguyod ng ating lipunan.
Pinayuhan naman ni commencement speaker Ms. Cecile Ang ang mga graduate na huwag humintong mangarap at patuloy na mag-ipon ng karanasan para magtagumpay.
Naging saksi sa pagtatapos ng Batch Sinagtala sina QCU President Dr. Theresita Atienza, Coun. Aly Medalla, Coun. Ram Medalla, Coun. Joseph Juico, Assistant City Administrator Rene Grapilon, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, mga opisyal ng CHED, faculty members, at mga magulang.




