Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang panunumpa ni Atty. Eunice Joy Berana bilang Alumni Association Representative at pinakabagong kasapi ng Board of Regents ng Quezon City University (QCU).
Kasunod nito ay isinagawa ang pulong ng QCU Board of Regents kasama sina QCU President Dr. Theresita Atienza, City Administrator Michael Alimurung, at Majority Floor Leader Aly Medalla.
Nakiisa rin sa pulong sina Coun. Vic Bernardo, Coun. Ram Medalla, Councilor Atty. Vincent Belmonte, Coun. Nikki Crisologo, Coun. Luigi Pumaren, at iba pang miyembro ng QCU-BOR.
Tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang usapin para sa patuloy na pag-unlad ng unibersidad, kabilang ang panukalang pagbubukas ng Master of Engineering major in Industrial Engineering.
Napag-usapan din ang nalalapit na commencement exercises na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, kung saan kabilang sa mga magsisipagtapos ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa QCU.
Binigyang-pugay rin ng Board ang mga bagong Certified Public Accountants (CPAs) mula sa QCU na matagumpay na nakapasa sa pinakahuling CPA Licensure Examination.










