Sisiguraduhin ng Quezon City Government na may access sa training at education opportunities ang mga nagtitinda, sa tulong ng Vendors’ Business School Ordinance (City Ordinance SP-3430, S-2025).
Sa ilalim ng ordinansa, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng libre at accessible na education at skills and training opportunities sa mga hawker at vendor.
Layon nitong matiyak na napapanahon ang kaalaman at kasanayan ng mga manininda, na naaayon sa market demand.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na tinitiyak ng lokal na pamahalaaan ang patuloy na suporta sa mga maninindang QCitizen, para sa pag-unlad ng kanilang sarili, pamilya, komunidad, at bayan.
Nauna nang nagtapos sa programa ang 108 QCitizen, sa ilalim ng pilot program ng VBS noong 2024.
Bukod kay Mayor Joy, pinaunlakan din ang programa nina Coun. Aly Medalla, Coun. Vic Bernardo, Department of Agriculture Asec. Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, Market Development and Administration Department (MDAD) OIC Atty. Mark Aldave, at mga kinatawan ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong organsasyon.








